Wednesday 17 December 2014

Ibong Adarna o Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania



Ang Ibong Adarna ay isang korido na isinulat noong panahon ng Kastila na ngayon ay bahagi na ng Panitikan at Mitolohiyang Pilipino. Noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, kilala ito sa pamagat na Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania. May mala-epikong istilo ng pagkakasalaysay ang Ibong Adarna na tumatalakay sa kabayanihan, pag-ibig at kababalaghan. Nakasentro ang kuwento sa Adarna, isang ibon na nagtataglay ng mahiwagang kapangyarihan na nakapagpapagaling ng anumang karamdaman sa sandaling umawit at marinig ang tinig nito. Umiikot din ang kuwento sa pakikipagsapalaran ni Don Juan, isang prinsipe ng Kahariang Berbanya sa kanyang paghahanap sa Ibong Adarna, paglalagalag sa iba't ibang lupain at pakikipag-ibigan kina Donya Maria Blanca at Donya Leonora 

No comments:

Post a Comment