Asignaturang Filipino
Wednesday, 17 December 2014
Ibong Adarna o Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania
Ang Ibong Adarna ay isang korido na isinulat noong panahon ng Kastila na ngayon ay bahagi na ng Panitikan at Mitolohiyang Pilipino. Noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, kilala ito sa pamagat na Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania. May mala-epikong istilo ng pagkakasalaysay ang Ibong Adarna na tumatalakay sa kabayanihan, pag-ibig at kababalaghan. Nakasentro ang kuwento sa Adarna, isang ibon na nagtataglay ng mahiwagang kapangyarihan na nakapagpapagaling ng anumang karamdaman sa sandaling umawit at marinig ang tinig nito. Umiikot din ang kuwento sa pakikipagsapalaran ni Don Juan, isang prinsipe ng Kahariang Berbanya sa kanyang paghahanap sa Ibong Adarna, paglalagalag sa iba't ibang lupain at pakikipag-ibigan kina Donya Maria Blanca at Donya Leonora
Ang Tono, Haba, Diin at Antala
TONO
Ito ang taas-baba na iniuukol sa pagkabigkas ng pantig ng isang salita upang higit na maging mabisa ang pakikipag-usap natin sa ating kapwa.
Ang pagsasalita ay tulad ng musika na may tono, may bahaging mababa, katamtaman, mataas na mataas na tono.
Paliwanag:
Sa a.) kanina ay nagdududa o nagtatanong ang nagsasalita.
Sa b.) kanina, ang nagsasalita ay nasasalaysay. Dahil sa tono nagkaroon ng iba ibang kahulugan ang salita. Sa pasulat na pakikipagtalastasan, ang pagdududa o pagtatanong ay karaniwang inihuhudyat ng tandang pananong (?)
HABA at DIIN
HABA
Tumutukoy sa haba ng pagbigkas na iniuukol ng nagsasalita sa patinig na salita.
DIIN
Tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.
Ang tono, haba at diin sa pagbigkas ng isang salita ay karaniwang magkakasama sama sa isang pantig nito.
Halimbawa:
Kapag binibigkas natin ang salitang "halaman" ang tono, haba at diin ay sama-sama sa pantig na -la-. Sa ibang salita, ang pantig na -la- ay malakas ang bigkas kaysa ibang kasamang pantig na -ha- at -man-. Gayundin ang bigkas ng -a- sa -la- ay higit na mahaba.
Sa Filipino, ay higit na mahalaga ang haba kaysa diin at tono.
Halimbawa:
Ang salitang "kasama" - sa Ingles ay companion. Malumanay ang salitang ito, na ang diin ay nasa huling pantig, ibig sabihin ang patinig na /a/ sa pantig na -sa- ay higit na mahaba ang bigkas. Kaysa sa dalawang patinig na /a/ sa mga pantig na ka- at -ma.
Subukang alisin ang haba ng patinig sa pantig na -sa- at mababago ang kahulugan ng salita, hindi na companion kundi tenant sa Ingles.
/kasa.ma/ = "companion"- (Ang haba ng bigkas ay inihuhudyat ng tuldok (.))
Iba pang halimbawa:
/magnana.kaw/ = thief
/magna.nakaw/ = will go stealing
/magna.na.kaw/ = will steal
Dahil sa ibinibigay na pagpapahaba sa bigkas sa alinman sa tatlong /a/ sa salita, nagiiba-iba ang kahulugan.
ANTALA
Ito ay ang saglit na pagtigil ng sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig nating ipabatid sa ating kausap.
Halimbawa:
Sa pangungusap na, Hindi puti, na ang ibig sabihin sa Ingles ay, It's not white.
Ngunit kung lalagyan natn ng antala ang pagitan ng hindi at puti kaya't magiging ganito ang pangungusap; Hindi, puti, makikita natin ang mababaliktad ang kahulugan ng pangungusap na magiging, No it's not white.
Ang Paksa ng Sanaysay
Bawat sanaysay ay may tema ng tinatalakay dito. Ang mga paksa ay tumatalakay sa mga bagay tungkol sa pagbabagong ekonomiko, sosyal, pulitikal at kultural at panlipunang isyu sa iba't ibang panahon.
Ang pagkatao ng isang bagay o pangyayari sa kanyang paligid, positibo man o negatibo ay malinaw na masasalamin ng mga mambabasa sa isinulat niyang sanaysay.
Tuesday, 16 December 2014
Repleksyon sa "TAGLISH: Hanggang Saan "
Matapos kong basahin ang "TAGLISH: Hanggang Saan?" ay naunawaan ko na ang TAGLISH o Tagalog-English pala ay hindi isang lengguwahe kundi ito lamang ay isang uri ng salita kung saan mayroong binabagayan. Ang TAGLISH ay ginagamit upang tayo'y makapag komunika / makapaghalubiho sa ibang tao nang madali. Patuloy pa ring ginagamit ng mga tao lalo na ang mga Pilipino ang convinient vehicle na Taglish.
Ang Tunggalian
Ito ay ang laban sa pagitan ng dalawang magkasalungat ng pwersa.
Mga Tunggalian:
1. Tao laban sa Kalikasan
Ang sobrang init o lamig ng panahon ay dapat na labanan ng tao upang siya'y mabuhay ng maayos at makaiwas sa sakit.
2. Tao laban sa Kalamidad
Maramig kalamidad ang kalaban ng tao tulad ng baha, lindol at sunog na kadalasan ay pinagbubuwisan niya ng buhay.
3. Tao laban sa Kapwa
Madalas na nagkakaroon ng paglalaban sa pagitan ng tao at ng kanyang kapwa na ang kalimitang resulta ay gulo at patayan.
4. Tao laban sa Sarili
Ito ang tunggaliang nagaganap sa isipan ng tao.
Halimbawa:
Nilalabanan ng anak ang takot na mawala o mamatay na maaring mangyari sa kanyang magulang na may sakit.
Sanhi at Bunga
Ginagamit sa pakikipagtalastasan ang pagbibigay ng sanhi at bunga ng mga pangyayai na maaring humantong sa isang bunga.
Sa pagbibigay ng sanhi at bunga, ginagamit ang mga panandang dahil sa, dahil kay, at sanhi at upang malahad nang malinaw at maayos ang dahilan ng pangyayari,
Halimbawa:
Dahil sa lubusang pagpapahalaga sa makinis na kutis (sanhi) / bumibili siya ng mga produktong mangangalaga sa kutis (bunga).
Komiks
Ito ay grapikal midyum kung saan ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kwento.
Naglalaman ito ng ibaa't ibang imahinasyon ng tao na kinapapalooban ng mga nakakatawa, nakakaiyak, nakakaaliw o nakakatakot na salysay. Nagtuturo rin ito ng iba't ibang kaalaman at nagsusulong ng kulturang Pilipino.
Subscribe to:
Posts (Atom)