Wednesday, 17 December 2014

Ang Tono, Haba, Diin at Antala


TONO 

Ito ang taas-baba na iniuukol sa pagkabigkas ng pantig ng isang salita upang higit na maging mabisa ang pakikipag-usap natin sa ating kapwa.
Ang pagsasalita ay tulad ng musika na may tono, may bahaging mababa, katamtaman, mataas na mataas na tono.



Paliwanag:


Sa a.) kanina ay nagdududa o nagtatanong ang nagsasalita.

Sa b.) kanina, ang nagsasalita ay nasasalaysay. Dahil sa tono nagkaroon ng iba ibang kahulugan ang salita. Sa pasulat na pakikipagtalastasan, ang pagdududa o pagtatanong ay karaniwang  inihuhudyat ng tandang pananong (?)


HABA at DIIN


HABA

Tumutukoy sa haba ng pagbigkas na iniuukol ng nagsasalita sa patinig na salita.



DIIN


Tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.







Ang tono, haba at diin sa pagbigkas ng isang salita ay karaniwang magkakasama sama sa isang pantig nito.


Halimbawa:


Kapag binibigkas natin ang salitang "halaman" ang tono, haba at diin ay sama-sama sa pantig na -la-. Sa ibang salita, ang pantig na -la-  ay malakas ang bigkas kaysa ibang kasamang pantig na -ha- at -man-. Gayundin ang bigkas ng -a- sa -la- ay higit na mahaba.

Sa Filipino, ay higit na mahalaga ang haba kaysa diin at tono.



Halimbawa:

Ang salitang "kasama" - sa Ingles ay companion. Malumanay ang salitang ito, na ang diin ay nasa huling pantig, ibig sabihin ang patinig na /a/ sa pantig na -sa- ay higit na mahaba ang bigkas. Kaysa sa dalawang patinig na /a/ sa mga pantig na ka- at -ma.

Subukang alisin ang haba ng patinig sa pantig na -sa- at mababago ang kahulugan ng salita, hindi na companion kundi tenant sa Ingles.

/kasa.ma/ = "companion"- (Ang haba ng bigkas ay inihuhudyat ng tuldok (.))

Iba pang halimbawa:

/magnana.kaw/ = thief
/magna.nakaw/ = will go stealing
/magna.na.kaw/ = will steal



Dahil sa ibinibigay na pagpapahaba sa bigkas sa alinman sa tatlong /a/ sa salita, nagiiba-iba ang kahulugan.





ANTALA


Ito ay ang saglit na pagtigil ng sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig nating ipabatid sa ating kausap.

Halimbawa:

Sa pangungusap na, Hindi puti, na ang ibig sabihin sa Ingles ay, It's not white.
Ngunit kung lalagyan natn ng antala ang pagitan ng hindi at puti kaya't magiging ganito ang pangungusap; Hindi, puti, makikita natin ang mababaliktad ang kahulugan ng pangungusap na magiging, No it's not white.
 
 
 

33 comments:

  1. Ano po yung name nung font na ginamit sa Ang Tono, Haba, Diin at Antala?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Rock Salt
      https://www.fontsquirrel.com/fonts/rock-salt

      Delete
    2. buti toh parasa milenials ngayon

      Delete
  2. aaaah this is actually nice ~!

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. Salamat po,marami po itong naitulong sa akin.

    ReplyDelete
  6. Maraming salamat po. Malaking tulong po to sa amin bilang estudyante.. Salamat po ng marami

    ReplyDelete
  7. This is helpful, thanks. One question though. Shouldn't it be "No, IT'S white" for "Hindi, puti."?

    ReplyDelete
  8. ano pa po yung ibang sample ng antala

    ReplyDelete
  9. Salamat po sa info😁Godbless

    ReplyDelete
  10. Salamat po sa info😁Godbless

    ReplyDelete
  11. Salamat po sa info😁Godbless

    ReplyDelete
  12. halimbawa ng paghahaba ng salita

    ReplyDelete
  13. halimbawa ng paghahaba ng salita

    ReplyDelete
  14. Very useful po at na perfect KO po ang quiz dahil dito

    ReplyDelete
  15. Yes may assigment Naden akooo !!

    ReplyDelete
  16. May answer na ako sa assignment ko...yes

    ReplyDelete
  17. ang salitang suki ano yun sa antala?

    ReplyDelete
  18. Maraming salamat may isasagot na ako sa Module 😊♥️

    ReplyDelete
  19. Pwede po bang malaman kung saang sanggunian nakuha ang impormasyong ito? Salamat po.

    ReplyDelete
  20. Ano po ang pagkakatulad ng tono at diin

    ReplyDelete